Wednesday, September 24, 2014

Wami sa Umaga

Wala na ang dating lugar kung saan tayo
sumilong noong nagdilim ang langit.
Bumuhos nang paunti-unti ang mga patak ng tubig
at binura ang mga naiwang yapak sa sahig.

Wala na rin ang mga pagkai't inuming
nagpabusog sa ating mga tiyan
at nagpatamis nang ating mga usapan
sa sulok ng madalas na ka-ina.

Wala na ang hinanap-hanap na sopas
noong malamig ang simoy ng hangin
na siyang nagpainit sa ating mga katawan
nang papalapit na ang taglamig.

Niluma na ang mga pahayagang iniabot
sa atin ng tindera, na nag-udyat basahin
ang kapalaran minsa'y nasa panig natin
ngunit piniling hindi tayo pagpalain.

...

Wala na ang mga magpapaalala ito
tulad lang ng pagtingin ko sa'yo.

No comments:

Post a Comment